Trailers

Tuwing nanonood ako ng sine, isa sa paborito ko ay ang mga trailer sa simula ng pelikula. Syempre dapat lagi tayong updated kung ano ang bago at coming soon. Mahilig na talaga ako sa mga trailer kahit hindi ko pa alam kung ano ang tawag don. Noon, ang tawag ko sa kanila ay advertisement dahil nga naman ina-advertise nila ang pelikula. Nong marinig ko na may tawag pala sa kanila, akala ko thriller. Sabagay pinapa-thrill at excite nila ang madla para sa pelikulang iyon. O diba pwede?

Bukod sa mga trailer, nakatutuwa rin ang mga side comment ng mga tao habang pinapalabas ang mga ito. Ang iba pabulong lang, pero meron ding iba na feel nila sila lang ang tao sa loob ng sinehan. Kaya nong nanood kami ng James Bond, medyo marami-raming bagong trailer kaya medyo marami-rami din ang mga side comment ng mga tao.

Una, habang pinapalabas ang trailer ng Bedtime Stories ni Adam Sandler. Comment ng isang bading na napakalakas at parang nawindang siya sa kanyang nakita, “Hala! Siya pala yong sa Meet the Zohan?” Tugsshhh! Nalito siguro siya sa accent at balbas ni Zohan, intindihin na lamang natin siya.

Pangalawa, habang pinapalabas ang trailer ng Angels and Demons. Ito ang sabi ng isang lalaki sa kanyang gf, “yan yong part 2 ng da vinci code!” at with full conviction niya sinabi yon. Kung magpapasikat ka na lang, siguraduhing alam mo ang pinagsasabi mo.

Pangatlo at ang pinakamatindi. Habang pinapalabas ang trailer ng Valkyrie, ang bagong pelikula ni Tom Cruise na kung saan may pinakitang Nazi Flag. Tanong ng parehong bading sa unang kwento, “Anong flag yan? Japan???”

Hwaaaaaaaaaaaaaaat?!? Ang sarap sagutin, “Kelan pa naging land of the rising swastika ang Japan???” Pero sino naman ako para sabihin yon e ni hindi ko nga alam kung ano ang tawag sa trailer non. Who am I to judge diba? Hihihi…(evil grin)

Sa susunod ulit na panonood ko ng sine… At sa susunod na mga trailer at side comments…

0 complaint/s: